Community Outreach Program pinangunahan ng TESDA at DSWD sa Las Piñas City
Las Pinas City- Pinangunahan ng mga tauhan mula sa TESDA at DSWD ang isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa St. Mary Covered Court, Barangay Almanza Uno, Las Piñas City nito lamang Huwebes, Marso 16, 2023.
Ang naturang aktibidad ay alinsunod na rin sa National Women’s Month na naisakatuparan sa pamamagitan nina G. Noel Cuevas ng TESDA at Ms. Lowefe Romulo ng DSWD kasama ang Barangay Almanza Uno, sa pamumuno ni Hon. Bonifacio Ramos, Brgy. Chairman.
Katuwang din dito ang mga tauhan ng Las Pinas City Police Station na personal na dinaluhan ni
Police Colonel Jaime O Santos, Chief of Police, kasama ang Station Community Affairs Section ng naturang istasyon.
Nagkaroon ng libreng masahe, libreng gupit at libreng eyebrows shading o pakilay sa mga kababaihan. Nagbagi din ang grupo ng mga food packs na labis na ikinatuwa ng mga nakiisa sa programa.
Naglalayon ang aktibidad na ipabatid ang kahalagahan ng mga kababaihan sa lipunan at mapasaya na rin sila sa pagdiriwang ng National Women’s Month.