Drug Symposium, Isinagawa para sa mga mag-aaral ng Quezon Institute of Technology sa Bukidnon

Nagsagawa ng Drug Symposium at Crime Prevention Lecture sa mga mag-aaral ng Quezon Institute of Technology sa Covered Court, Quezon, Bukidnon nito lamang Huwebes, Marso 16, 2023.

Pinangunahan ito nina Pastor Sandy Tadle at Pastor Benjie Andoy katuwang ang mga miyembro ng Quezon Municipal Police Station sa nopangunguna ni Police Corporal Diana Mea Quimod sa pangangasiwa ni Police Major Noel Cano, Officer-In-Charge.

Binigyang pansin ng symposium ang mga masasamang dulot ng mga ilegal na droga na nakakasira ng buhay ng lalo sa mga kabataan. Tinalakay din ang Crime Prevention kung saan nabigyan ng sapat na kaalaman ang mga estudyante para sa kanilang kaligtasan. Nagbigay din ng inspirasyon at gabay ang mga pastor sa mga estudyante para mapalapit sa Diyos.

Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng mga estudyante upang maging responsibleng mamamayan sa tulong ng mga guro, mga pulis kasama ang simbahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *