KKDAT, nakiisa sa Community Outreach Program sa Siaton Negros Oriental
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Community Outreach Program sa Nasipit, Brgy. Cabangahan, Siaton Negros Oriental nito lamang Marso 19, 2023.
Ang grupo ay pinangunahan ng mga tauhan ng Siaton Police Station sa pangangasiwa ni Police Major Ricky H Dacotdacot, Chief of Police katuwang sina Pastor Leve Hermosa; Pastor Ruel Badiable, mga miyembro ng RECON SARGE7, Adventist Community Service at Seventh Day Adventist Youth at pati na rin si Jarry Babiera, SK Chairman ay lumahok sa aktibidad.
Nakapaghatid ng serbisyong libreng gupit, pamamahagi ng mga food packs, tsinelas, laruan at mayroon din feeding activity para sa mga dumalo sa nasabing aktibidad.
Ang masugid na pagtutulungan ng mga miyembro ng KKDAT, LGU, mga stakeholders, kapulisan at simbahan sa aktibidad ay patunay na may pagkakaisa at malasakit ang mamamayan sa pagkamit ng kapayapaan at kaayusan tungo sa kaunlaran ng ating bansa.