BADAC at BPOC Monthly Meeting, isinagawa ng Barangay Tambler
Upang masagot ang mga agam-agam sa mga pangyayaring may kaugnayan sa ilegal na droga, at iba pang uri ng kriminalidad, nagsagawa ng buwanang pagpupulong patungkol sa Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) /Barangay Peace and Order Council (BPOC) ang Barangay Tambler, General Santos City, sa pangunguna ni Punong Barangay Abdul Wahid D. Bualan nito lamang Lunes, Marso 27, 2023.
Aktibong nilahukan nina Police Major Lorvinn A Layugan, Officer In-Charge, mga miyembro ng RPCADU 12; IAS Michelle Manatad, PDEA SARGEN; Police Captain Francisco Alfeche, Philipine Navy; Eddie Atay, School Principal, Banisil National High School; Genaro Roales, Assistant Principal, Banisil Central Elementary Elem. School kabilang ang mga Purok Chairman, BHW, Barangay Tanod, at mga Konsehal.
Kaugnay nito, kanya-kanyang nagbigay ng updates ang mga opisyales kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng peace and order at drug concern ng barangay.
Kung saan naging sentro sa usapin ang patungkol sa pagpapalawig ng seguridad sa naturang barangay para mapanatili ang pagbaba ng kaso ng ilegal na droga at iba pang uri ng kriminalidad.
Alinsunod sa programa ng DILG na Buha’y Ingatan Droga’y Ayawan (BIDA) Program giit naman ng GenSan PNP na patuloy ang mas pinalakas na kampanya ng mga otoridad kontra sa ipinagbabawal na gamot para maging isang drug free ang barangay Tambler.
At sa huli, hinimok naman ng punong barangay ang lahat ng mga dumalong opisyales maging sa 30 purok chairman at sa residente nito na patuloy na makipagtulungan at makiisa sa kanilang isinusulong na programa tungo katiwasayan at pag-abot ng isang mapayapa, maunlad na barangay na syang layunin ng pagpupulong.