KKDAT Bontoc at Sabangan Chapter, nagtapos sa 3-Day MYPD
Nakapagtapos ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Bontoc at Sabangan Chapter at mga estudyante sa isinagawang 3-Day Moving the Youth Towards Peace and Development (MYPD) sa Pingad Senior High School, Camatagan Sabangan, Mt. Province nito lamang Marso 24-26, 2023.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng mga miyembro ng KKDAT, mga estudyante ng nasabing paaralan kasama ang kanilang mga magulang. Nagbigay suporta at nanguna naman sa aktibidad l ang Mt. Province Police Provincial Office katuwang ang Batch 1991 ng Pingad National High School bilang mga sponsors, kabilang na rito ang PNP Special Action Force, Mt. Province-PDEA, BFP Sabangan at pati na rin ang Bible Believing Baptist Church at Gospel Light Baptist Church.
Ang aktibidad ay may temang “Young People and Mental Health in a Changing World; a Challenge to the Youths of Today, Leaders of Tomorrow”. Layunin nito na magabayan at mahasa ang mga abilidad at potensyal ng mga kabataan sa pamumuno at maging ehemplo ng isang responsableng mamamayan.
Ang aktibidad ay nilahukan ng 74 na miyembro ng KKDAT at mga estudyante na nabigyan ng kasanayan upang mahubog ang kanilang mga abilidad sa pamumuno, madiskubre ang kanilang mga talento, magabayan sa kanilang pangarap sa buhay at mapalakas ang kanilang kumpiyansa sa sarili sa kanilang mga ginagawa at layunin sa buhay.