3-Day Youth Leadership Summit, Isinagawa sa Kalinga
Nagsagawa ng 3-Day Youth Leadership Summit ang Kalinga-Apayao Youth Organization (KAYO) na may temang “Empowering the Youth as Peace Builders”, sa Limos National High School, Brgy. Limos, Pinukpuk, Kalinga, nito lamang Marso 31- Abril 2, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng KAYO sa pakikipagtulungan ng Brgy. Limos Officials, Religious Sector, Kalinga PNP at mga miyembro ng Philippine Army.
Ito ay dinaluhan ng 60 youth leaders na pawang mga miyembro ng Sanguniang Kabataan, mga estudyante at Out-of-School Youth (OSY).
Tampok sa tatlong araw na aktibidad ang pagtalakay sa Gender and Development (GAD); Revitalizing SK Roles, Function and Plans; Deceptive Recruitment of CPP-NPA-NDF/ Youth Orientation; Leadership; Capacitating the Youth Towards Environmental Management; Criminality Involving Youth Offenders/Anti-Drug Campaign; Youth Volunteerism in Disaster Response/First Aid; at mga mga epekto ng Early Pregnancy.
Ang pagsagawa ng team building ay naglalayon na himukin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kabataan at mahasa na rin ang kanilang potensiyal na youth leader. Kasama na rin sa aktibidad nag Poster Making at YLS Cultural Night para mapakita ang kanilang mga talento. Sumailalim din ang mga kabataan ng Moral and Spiritual Enrichment activities at nakilalahok na rin sila sa clean-up drive.
Layunin ng aktibidad na magkaroong ng positibong pananaw ang mga kabataan, mahasa ang kakayahan, talento at kanilang tungkulin sa komunidad, sa kapwa, sa bansa at sa Diyos. Layon din nito na himukin ang mga kabataan na maging isang responsableng mamamayan na katuwang sa kalinisan, kaayusan at kapayapaan.