Barangay Based Advocacy Group, Nakiisa sa KASIMBAYANAN sa Tarlac

Nagkaisa ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan sa isinagawang KASIMBAYANAN Weekly Interactive Meeting sa Barangay Coral, Ramos, Tarlac nito lamang Martes, ika-4 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Ramos PNP katuwang ang mga miyembro ng Faith Based Group, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Women Sector at Cluster Leaders ng nasabing lugar.

Nagkaroon ng Spiritual Upliftment na siyang pinangunahan ng mga Faith Based Leaders. Nagbigay kaalaman din ang PNP patungkol sa iba’t ibang batas.

Patunay na ang maigting na ugnayan ng mamamayan at PNP ay napapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *