KKDAT, Nakiisa sa Isinagawang Clean-up Drive sa Bontoc, Mt. Province

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa isinagawang Clean-Up Drive sa Barangay Guinzadan Central at Sur, Bauko, Mountain Province nito lamang ika-10 ng Abril 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Sandoval M Balnes, Acting Force Commander.

Katuwang sa naturang aktibidad ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo- Bauko at Bontoc Chapter, mga tauhan ng Bauko Municipal Police Station. Tulung-tulong ang mga grupo na namulot at naglinis ng mga basura sa mga daan, kalsada at kapaligiran ng naturang barangay.

Layunin nito na pa-igtingin ang ugnayan ng komunidad at pulisya upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *