KALIGKASAN Advocacy Support Groups, nagsanib puwersa sa isinagawang Clean-up Drive sa Malabon City

Malabon City – Nagsanib puwersa ang mga miyembro ng KALIGKASAN Advocacy Support Groups sa isinagawang Clean-up Drive na ginanap sa Tonsuya Creek, Brgy. Tonsuya, sa Malabon City nito lamang Linggo, Abril 23, 2023.

Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa tulong ng AKHRO Force Multipliers, Malabon E-Trike Volunteer Brigrade (MEVB),UNITED KIF A CO, Mike Delta Force (MDF), Philippine Guardian Brotherhood Inc. (PGBI) at ng mga opisyales ng nasabing Barangay katuwang ang mga tauhan ng Malabon City Police Station.

Sama-samang nilinis ng mga grupo ang nasabing creek na puno ng solid waste at iba pang mga uri ng basura.

Layunin ng grupo na maisayos ang lugar upang hindi pamugaran ng mga mapaminsalang insekto na maaaring magdala ng mapanganib na karamdaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *