Sangguniang Kabataan, nakiisa sa KASIMBAYANAN Basketball League

Aktibong nakilahok ang Sangguniang Kabataan ng Pangantucan, Bukidnon sa isinagawang KASIMBAYANAN Basketball League na ginanap sa Covered Court ng Sitio Proper, Barangay New Eden, Pangantucan, Bukidnon nito lamang Abril 22, 2023.
Nakiisa sa akbtibidad ang mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay Pangantucan Bukidnon sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Ansari B Ibrahim sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Restituto Polinar Lacano Jr, Officer-In-Charge ng Bukidnon Police Provincial Office.
Nagsimula ang naturang aktibidad sa isang taimtim na panalangin na may layunin na pagbukludin ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan tungo sa isang maayos at masaganang komunidad.