Tree Planting Activity, isinagawa ng Barangay Based Advocacy Support Group sa Cagayan

Matagumpay na naisagawa ang Tree Planting activity ng Barangay Based Advocacy Support Group katuwang ang PNP sa Barangay Quibal, Peñablanca, Cagayan na ginanap nitong araw ng Lunes, ika-24 ng Abril 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng kapulisan ng Peñablanca Police Station kasama ang Tourist Police Unit (TPU) at Public Safety Junior Leadership Course (PSJLC) class 2022-01 Alpha company.

Tinatayang nasa 200 narra seedlings ang naitanim ng mga lumahok sa naturang aktibidad.

Layunin ng aktibidad na suportahan ang National Greening Program ng gobyerno at hikayatin ang iba pang miyembro ng komunidad na makiisa sa programa upang mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng kapaligiran.

Source: Peñablanca Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *