KALIGKASAN Advocacy Group nakiisa sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity sa Malilipot, Albay

Malilipot, Albay – Nakilahok ang KALIGKASAN Advocacy Group sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity sa dalampasigan ng Barangay III Poblacion, Malilipot Albay nito lamang ika- 1 ng Mayo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Malilipot Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Milanie B De Guzman, Officer-in-Charge.
Nakakuha ang mga kalahok ng sako-sakong basura sa paligid ng dalampasigan. Layunin ng nasabing aktibidad na tiyaking malinis ang lugar upang ang basura sa paligid ay hindi mapunta sa dagat at hindi makakaapekto sa kalidad ng tubig.
Ang KALIGKASAN Advocacy Group sa lugar ay patuloy na makikiisa sa mga programang inilulunsad ng kapulisan tungo sa malinis at ligtas na kapaligiran.