Feeding Program, isinagawa ng Laua-an Municipal Advisory Council sa Antique

Naghandog ng libreng meryenda ang mga miyembro ng Laua-an Municipal Advisory Council sa Paliwan Bridge, Laua-an, Antique nito lamang ika-31 ng Mayo 2023.

Habang rumaragasa ang bagyong Betty sa probinsya ng Antique ay namahagi ang grupo ng noodles, coffee, pandesal at arozcaldo sa mga nakatalagang mga tauhan, Rescuers, Volunteers at mga residenteng stranded sa nasabing tulay.

Layunin ng naturang grupo na makatulong sa mga kababayan natin lalo-lalo na sa oras na kalamidad at pangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *