Clean-Up Drive, pinangunahan ng KKDAT sa Cagayan

Pinangunahan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ang pagsasagawa ng Clean-Up Drive nitong Huwebes, Hunyo 01, 2023 sa Brgy. Centro, Peñablanca, Cagayan.

Kasama ng mga miyembro ng KKDAT sa aktibidad ang mga kapulisan ng Peñablanca Police Station na namulot ng mga basura at plastik na nakakalat sa gilid ng mga daanan at mga parke.

Layunin ng kampanyang ito ng mga kabataan at ng iba pang Advocacy Support Groups na hikayatin ang komunidad na maging responsable at sensitibo sa pangangalaga sa kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Source: Peñablanca Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *