Community Outreach, and Clean-up Drive Program, nilahukan ng iba’t ibang Advocacy Support Groups sa San Juan City
San Juan City- Masayang nakilahok ang iba’t ibang miyembro ng Advocacy Support Groups sa isinagawang Community Outreach at Clean-up Drive Program na ginanap sa Brgy Ermitaño, San Juan City nito lamang Martes, Mayo 30, 2023.
Ang naturang aktibidad ay may temang “Padyak para sa Pagpananatili ng Kapayapaan, Kaayusan at Kalinisan sa Lungsod ng San Juan” na pinangunahan ng United Sanjuaneños Cycling Community, mga Criminology Students ng Eulogio “AMANG” Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), mga miyembro ng Force Multipliers at mga KKDAT members ng San Juan Chapter.
Katuwang sa aktibidad ang Station Community Affair Section ng San Juan City Police Station sa pamumuno ni Police Colonel Francis Allan M Reglos, Chief of Police.
Nilahukan naman ng mahigit 100 na benepisyaryo ang naturang outreach program, na sinundan ng Clean Up Drive activity sa gilid ng ilog ng nasabing Barangay.
Layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang ugnayan ng komunidad at pulisya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan, pagtugon sa kanilang mga pangangailangang panlipunan, at sa pangangalaga ng kalikasan