KKDAT Virac Chapter, nagsagawa ng Urban Gardening sa Catanduanes

Nagsagawa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo Virac Chapter ng Urban Gardening sa Barangay Talisoy Virac Catanduanes nito lamang ika-1 ng Hunyo 2023.

Masayang nilahukan ng mga miyembro ng kabataan ang pagtatanim ng mga punla ng talong, na kanilang inorganisa na ang layunin ay makilala ang bawat isa, at lalo pang tumibay ang kanilang samahan at gayundin ay lumawak ang kanilang kaalaman sa pagtatanim.

Hinihimok ng grupo ang iba pang kabataan sa kanilang lugar na makiisa at sumali sa kanilang grupo na maging isang miyembro ng KKDAT.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *