Livelihood Program isinagawa sa Taguig City
Taguig City- Aktibong nakiisa ang grupo ng mga kababaihan sa isinagawang Livelihood Program na ginanap sa Barangay Ususan, Taguig City nito lamang Miyerkules, Mayo 31, 2023.
Ang naturang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ni Dra. Moreno “Mong” Cañizares, BAC Chairperson kasama si Mike V Putal, NCII, Barangay Officials ng Ususan at Trainors Methodology TMTC katuwang ang mga tauhan ng RMFB NCRPO.
Tinuruan ang mga lumahok ng basic steps sa paggupit ng buhok at pag-manicure at pedicure para sa mga kababaihan.
Nagpasalamat naman ang mga dumalo sa libreng pagsasanay na inihatid ng mga stakeholders dahil magagamit nila ang kasanayan pang hanap buhay.