Medical at Dental Mission, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Iloilo

Nagsagawa ng medical at dental mission ang mga miyembro ng Local Government Unit na ginanap sa Barangay Cabacanan Proper, Alimodian, Iloilo nito lamang ika-2 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo ang Iloilo PNP, Department of Health- Western Visayas, Alimodian Rural Health Unit at Philippine Army.

Isinagawa sa aktibidad ang Libreng Eye Checkup, Libre Tuli, Libre Gupit at pamamahagi ng libreng food packs sa mga residente na dumalo.

Layunin ng grupo na makapaghatid ng libreng serbisyo sa mga kababayan natin na lubos na nangangailangan, gayundin ay upang maipadama ang malasakit ng gobyerno sa mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *