Coastal Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Pinangunahan ng mga miyembro ng Barangay Officials, BPATs, at AFPSLAI Baguio Branch, ang Coastal Clean-up Drive Activity sa Brgy. Saud, Pagudpud, Ilocos Norte nito lamang ika-05 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng mga miyembro sa nasabing aktibidad ay ang Pagudpud Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Jomar M Andres, Officer-in Charge.

Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina na makakapagbigay ng malusog, ligtas at maayos na kapaligiran.

Hinikayat ng grupo ang mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.

Source: Pagudpud, Municipal Police Station, Ilocos Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *