Life Coach, nakiisa sa Gift Giving at Feeding Program sa Samar



Nakiisa ang mga Life Coach sa isinagawang Gift Giving at Feeding Program sa mga kabataan sa Brgy Longsob Calbayog City, Samar nito lamang Sabado, ika-3 ng Hunyo 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Ptr. Felicisimo Sagadal Jr. ng Lord of Lorss International Ministry, katuwang ang 1st Samar Provincial Mobile Force Company sa pangangasiwa ni PMaj Marval S Diaz, Officer-in-Charge.
Pasasalamat naman ang naging batid ng mga benepisyaryo sa natanggap na hatid ng nasabing grupo.
Layunin ng nasabing aktibidad na mapanatili at mapalakas ang koneksyon ng grupo at makapagbigay ng serbisyo sa mamamayan.