KKDAT members, nagsagawa ng Tree Planting Activity sa Alilem Ilocos Sur

Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo sa Brgy. Alilem Daya, Alilem, Ilocos Sur, nito lamang ika-5 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo sa aktibidad ang Alilem PNP na pinapangunahan ni Police Captain Giron M. Ancheta, Officer-in-Charge.

Layunin ng aktibidad na isulong ang kahalagahan ng pagtatanim at pag-iingat ng mga puno nang maibsan ang dulot ng climate change.

Samantala, patuloy naman ang iba’t ibang grupo sa pagsasagawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa pangangalaga ng kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Source: Alilem Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *