Simultaneous Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa Aklan
Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isinagawang Simultaneous Clean-Up Drive Activity sa Andagao, Kalibo, Aklan nito lamang ika-5 ng Hunyo 2023.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng World Environment Day. Sama-samang nilinis ng mga kalahok ang baybayin at nilikom ang lahat ng nakakalat na basura sa dalampasigan.
Layunin ng grupo na mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng ating karagatan upang maiwasan ang polusyon sa tubig na maaring magdulot ng sakit sa mga residente.