Mahigit 100 puno na Mahogany, itinanim sa Kalamansig, Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Sinimulan ng mga miyembro ng Kalamansig Advocacy Support Groups katuwang ang iba pang ahensiya ng gobyerno ang pagtatanim ng mahigit 100 puno ng Mahogany para palitan ang mga pinutol na puno sa kabundukang bahagi ng Barangay Hinalaan, Kalamansig, Sultan Kudarat noong ika-14 ng Hunyo 2023.

Matagumpay na naitanim ang mga puno ng Mahogany bunga ng pagtutulungan ng mga miyembro ng KKDAT, LGBTQ Advocacy Support Group, mga BPATs katuwang ang Kalamansig PNP at opisyales ng Barangay.

Ang aktibidad ay naglalayong palitan ang bawat pinutol na puno sa naturang lugar upang mapigil at makontrol ang mga rockslide at pagguho ng lupa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *