Clean-Up Drive Activity, isinagawa ng Advocacy Support Group sa San Juan, La Union

Nakiisa ang Advocacy Support Group sa isinagawang Clean-up Drive Activity sa Brgy. Caculangan, San Juan, La Union nito lamang Biyernes, ika-16 ng Hunyo 2023.

Katuwang ng grupo sa nasabing aktibidad ang mga Police Trainee at San Juan PNP na pinamumunuan ni Police Major Gregorio C Oreiro, Acting, Chief of Police.

Layunin ng naturang aktibidad na itaguyod ang kultura ng kalinisan, pagkakaisa at disiplina na makakapagbigay ng ligtas at maayos na kapaligiran para sa ikabubuti ng ating mamamayan.

Patuloy naman ang Advocacy Support Group sa pakikiisa sa ahensya ng gobyerno na mapangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *