1 Day Seminar tungkol sa Seedlings Propagation Process pinangunahan ng grupong AGWAP

Aktibong pinangunahan ng Anti Global Warming Advocates of the Philippines (AGWAP) at ng Department of Agriculture-Bureau of Plant Industry ang isinagawang 1 Day Seminar on Seedlings Propagation Process na ginanap sa 508, C6 Road, Hagonoy Village, Lungsod ng Taguig nito lamang Huwebes, Hunyo 21, 2023.

Katuwang sa programa ang mga tauhan ng District Community Affairs and Development Division ng Southern Police District sa pamumuno ni PBGen Kirby John B Kraft, District Director ng SPD.

Ang mga kalahok sa nasabing seminar ay mga miyembro at volunteer ng C6 Hagonoy Ville Neighborhood Association, DCADD personnel, at SCAS personnel ng Taguig CPS.

Nakatuon ang seminar sa Urban Agriculture, pagtatanim ng mga gulay na namumunga, Hydroponics cultivation, Indoor farming, Vertical gardening, at container gardening.

Naglalayon ito na bigyan ng kaalaman ang bawat mamamayan upang mamulat sila sa kahalagahan ng pagtatanim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *