Brigada Eskwela 2023 Kick off Ceremony, Isinagawa sa South Cotabat

Bilang hudyat ng pagsisimula ng Brigada Eskwela (BE) 2023 ay aktibong nakiisa ang mga iba’t ibang paaralan at ahensiya ng pamahalaan sa isinagawang Brigada Eskwela 2023 Kick Off Ceremony sa Banga, South Cotabato nito lamang Agosto 14, 2023.

Ang programa ay pinangunahan ng mga punong-guro ng mga paaralan sa nasabing bayan, katuwang ang mga kawani ng LGU-Banga, BFP, PNP, at ibang pang mga volunteers. Kasabay ng isinagawang aktibidad ay sama-sama na ring naglinis at nagpintura ang mga nasabing grupo sa mga silid-aralan.

Nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga punong guro ng mga paaralan sa aktibong pakikiisa ng mga ahensiya ng gobyerno sa isinulong na aktibidad na naglalayong buhayin ang kaugaliang bayanihan ng mga Pilipino.

Ang Brigada Eskwela ay isinasagawa bilang paghahanda ng eskwelahan na siyang gagamitin ng mga estudyante sa buong taon.

Maliban sa pagpapaganda at pagpapasa-ayos ng mga silid aralan at mga pasilidad ng paaralan, inihahanda rin dito ang mga materyales na siyang gagamitin ng mga guro para sa nalalapit na pasukan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *