KKDAT-Gattaran Chapter, nakilahok sa Peace Symposium
Aktibong nakilahok ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo-Gattaran Chapter ng Peace Symposium sa pangunguna ni Bb. Jamaica Naldo, KKDAT president sa Northern Philippines Academy, Centro Gattaran, Cagayan noong ika-18 ng Agosto 2023.
Katuwang ang Youth for Peace- Gattaran Chapter, 5th Civil Military Operation, 502ndnInfantry “Liberator” Brigade, Alpha Company, 77th IB, 5th ID at kapulisan ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PCpt Wilmore Mallillin, Platoon Leader.
Ang programa ay may temang “Pagtulak sa Kabataan na wakasan ang walang kwentang gawain ng Communist Terrorist Group (CTG) para mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran”. Tinalakay sa naturang aktibidad ang RA 9165, Anti Criminality, Stages of Deceptive Recruitment at EO 70 sa mga mag-aaral ng nabanggit na eskwelahan.
Layunin ng aktibidad na pataasin ang kamalayan ng kabataan laban sa terorismo at himukin na makilahok sa mga programa kasama ang kapulisan at iba pang ahensya ng gobyerno na nagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran. Source: 2nd CPMFC