Launching ng Alalay Eskwela Program, isinagawa ng Valencia Municipal Advisory Council

Matagumpay na isinagawa ng mga miyembro ng Valencia Municipal Advisory Council ang “Launching ng Alalay Eskwela Program” para sa mga mag-aaral ng Taculing Elementary School, Brgy. Banderahan, Valencia, Bohol nito lamang Agosto 24, 2023.

Ang aktibidad ay aktibong nilahukan ng mga tauhan ng Valencia Police Station sa pangunguna ni Police Captain Justeofino M Hinlayagan, Chief of Police kung saan namahagi ang grupo ng mga school supplies tulad na lamang ng notebook, ballpen, pencil, erasers, at crayons para sa mga bata ng paaralan.

Ang “Launching ng Alalay Eskwela Program” na inisyatibo ng grupo ay naglalayong makapag handog ng tulong para sa mga mag-aaral ng lugar upang makapag bigay inspirasyon sa mga bata para sa pag abot ng kanilang mga pangarap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *