BPATs Training isinagawa sa Bakun, Benguet

Muling nagsagawa ng pagsasanay sa mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) na idinaos sa himpilan ng Bakun Municipal Police Station nito lamang ika-25 ng Agosto 2023.

Ito ay nilahukan ng mga miyembro ng BPATs mula sa iba’t ibang barangay ng Bakun na pinangasiwaan ng Bakun PNP katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Bakun habang nagsilbing tagapagsanay naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Nagsagawa ng lektura hinggil sa pagpapalawak ng kaalaman sa tungkulin ng BPATs sa pagpapatupad ng kaayusan at kapayapaan at mga paunang tugon sa panahon ng emergency. Nagkaroon din ng aktwal na pagsasanay ang mga BPATs sa basic rope course na makakatulong sa search and rescue operation sa panahon ng kalamidad.

Samantala, kinikilala naman ng PNP at mga bumbero ang mahalagang papel at kontribusyon ng mga BPATs bilang katuwang ng mga ito sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa buong munisipalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *