LGBTQ Advocacy Support Group, nakiisa sa Community Outreach Program sa Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Muli na namang nakiisa ang mga miyembro ng LGBTQ advocacy support group sa inilunsad na community outreach program ng PNP sa Upper Bunawan Integrated School, Brgy. Elbebe, Columbio, Sultan Kudarat, nito lamang ika-29 ng Agosto 2023.

Ang naturang programa ay pinangunahan ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga miyembro ng Makasining Lahi ng Tacurong (LGBTQ), Company Advisory Group for Police Transformation and Development, at Barangay Local Government Unit ng Elbebe.

Gaya ng nakasanayan, mga masusustansyang pagkain at libreng gupit ang inihandog ng mga nasabing grupo sa humigit 200 mag-aaral.

Maliban sa kanilang ipinaabot na tulong, ibinahagi rin ng Sultan Kudarat PNP ang kanilang kaalaman patungkol sa mga batas na pomoprotekta sa ating mga kabataan at kababaihan.

Pasasalamat at ngiti naman ang ganti ng mga benepisyaryo sa natanggap nilang tulong.

Giit naman ng mga naturang grupo na patuloy silang maghahatid ng kasiyahan at ngiti sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *