Balik Eskwela 2023, nilahukan ng Force Multipliers sa Cebu City

Masigasig na lumahok sa isinagawang Balik Eskwela 2023 ang mga miyembro ng Force Multipliers sa Bitlag-Integrated School, Barangay Sudlon l, Cebu City nito lamang umaga ng Martes, ika-29 ng Agosto 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ruel L Burlat, CMFC Force Commander katuwang ang CMFC Advisory Group ROBLE Shipping, Philippine Coast Guard Auxiliary 212 Squadron, Philippine Coast Guard Auxiliary 217, Centennial Force Foundation Incorporated at Cebu Continental Eagles Club.

Nabigyan ang mga mag-aaral ng nasabing paaralan ng mga gamit pang eskwela at tsinelas sa prisensya ni Dr. Michelle P Pador, School Principal l.

Patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Force Multipliers sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang makapagbigay ng libreng serbisyo at tulong sa mga mag-aaral na lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *