Community Outreach Program isinagawa sa Limay, Bataan

Nagkaisa ang pulisya at mamamayan sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Peas, Barangay Duale, Limay, Bataan nito lamang Miyerkules, ika-30 ng Agosto 2023.

Kalahok sa aktibidad ang mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company, Limay PNP at Faith Based Volunteers mula sa ACCEL Group.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng Spiritual Uplifment, pamamahagi ng food packs at pagbibigay kaalaman ng pulisya patungkol sa iba’t ibang batas sa mga residente ng naturang lugar.

Patuloy ang maigting na ugnayan ng PNP at Faith Based Advocacy Support Group upang makapaghatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga nakatira sa liblib at malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *