KKDAT, nakiisa sa Tree Planting Activity sa Sarangani Province

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Tree Planting Activity sa Brgy. Lun Masla, Malapatan, Sarangani Province nito lamang ika-30 ng Agosto 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga miyembro ng Regional Community Affairs and Development Division 12 katuwang ang Malapatan PNP, KKDAT at iba pang mga volunteers.
Bilang pagmamalasakit sa ating kalikasan, nagtanim ang mga naturang grupo ng mga iba’t ibang punla ng punong-kahoy sa nasabing lugar.

Kaugnay rito, hinikayat naman ng grupo ang mga residente na patuloy na pangalagaan ang ating kalikasan para maibalik ang tunay na kagandahan ng ating komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *