Brgy-Based Advocacy Support Group lumahok sa Information Drive sa Balayan, Batangas
Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Brgy-Based Advocacy Support Group sa isinagawang Information Drive na ginanap sa Brgy. District 6, Balayan, Batangas nito lamang Sabado, Agosto 31, 2023.
Tinalakay sa naturang aktibidad ang Drug Awareness Information Drive, RA 8353 o Anti-Rape Law, RA 9262 o Violation Against Women and Children, Awareness on Anti-illegal Drugs and Illegal Gambling Activities, Basag Kotse, Akyat-Bahay, Anti- Terrorism Awareness, Information and Dissemination on PNP Recruitment Program, Child Welfare Act at iba pang mahahalagang bagay patungkol sa Police Managing Operation at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict NTF-ELCAC or E.O 70.
Naisagawa ang programang sa pangunguna ng mga tauhan ng Balayan Municipal Police Station sa pangunguna ni Patrolman Janssen Gozano, sa direktang superbisyon ni Police Major Domingo Ballesteros, Jr, Acting Chief of Police.
Layunin nitong mabigyan ng kaalaman ang mga mamamayan lalo sa batas para maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao at tuluyang iwaksi ang pagsali sa makakaliwang grupo na walang ibang dala kundi karahasan at terorismo.