KKDAT nakiisa sa Clean-up Drive sa Mt. Province

Nakiisa sa isinagawang Clean-up Drive ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Paracelis Chapter sa Butique, Paracelis, Mt. Province nito lamang ika-29 ng Agosto 2023.

Pinangunahan ito ni Nichole Cashmire Pascual, KKDAT Mt. Province President at Ryan Ramos, SK Chairman ng Barangay Butigue.

Nagtulungan sa pagwawalis at paglilinis sa paligid ng kabahayan ng naturang lugar.

Layunin ng aktibidad na mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at maging ligtas sa anumang uri ng sakit ang mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *