KKDAT Cabarroguis Chapter, nakiisa sa pagdiriwang ng linggo ng Kabataan
Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo KKDAT Cabarroguis Chapter bilang parte ng pagdiriwang ng linggo ng kabataan Sa Brgy. Zamora, Cabarroguis Quirino, nito lamang September 1-2, 2023.
Katuwang ng nasabing grupo ang mga tauhan ng Cabarroguis MPS, Lokal na pamahalaan ng Cabarroguis , Philippine Army at NARIAG Advocacy Support Group.
Sa unang araw pa lang ay agad inumpisahan ng mga kabataan ang mural painting sa bahagi ng Munisipyo kasunod nito ang pagtatanim ng mga fruit bearing tree tulad ng rambutan sa Brgy. Zamora Cabarroguis kasama ang mga tauhan ng Philippine Army at PNP.
Bukod dito ay nagkaroon din ng singing contest na ginaanap sa Cabarroguis Gymnasium na inorganisa mismo ng mga kabataan at bilang suporta ay dinaluhan din ito ng mga tauhan mula Cabarroguis MPS.
Ang KKDAT-Kabataan Kontra Droga ay kinilala sa kanilang dedikasyon sa paglaban sa iligal na droga at terorismo para sa tulad nilang mga kabataan at bilang bahagi sa kanilang pagtalima sa hamon at responsibilidad ay aktibo itong nakikilahok sa mga aktibidad katuwang ang PNP.
Source: PCAT Quirino, RPCADU2