Kaligkasan Warrior nakiisa sa Tree Planting Activity sa Bataan

Nakiisa ang mga miyembro ng Kaligkasan Advocacy Support Group sa isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Mabuco, Hermosa, Bataan nito lamang Linggo, ika-3 ng Setyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 1st Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Brownson B Ollaging Force Commander.

Nagtulungan sa pagtatanim ng iba’t ibang klase ng punong-kahoy na magsisilbing lilim sa lugar.

Sinisguro ng pulisya at mamamayan na patuloy nilang aalagaan ang kalikasan at pananatilihin ang kalinisan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *