10 Solar Lights handog ng R-PSB at Barangay Councils sa Bukidnon

0
373491760_312774067930019_4955216107734997282_n

Tulong-tulong ang mga miyembro ng Revitalized Pulis sa Barangay at Barangay Council sa pagkakabit ng 10 solar lights sa limang Sitio ng Pangatucan, Bukidnon nito lamang ika-4 ng Setyembre 2023.

Ang limang sitio na ito ay Sitio Proper, Sitio Lower Mapait, Sitio Mapait, Sitio Kadimdiman, at Sitio Uper Cabillahan.

Layunin nito na mabigyan ng liwanag ang naturang sitio upang maiwasan ang mga krimen at masiguro ang kaligtasan ng mamayan.

Pasasalamat naman ang hatid ng limang Sitio sa kanilang tulong na natanggap mula sa R-PSB at Barangay Councils na magbibigay liwanag at pag-asa sa lahat ng mamamayan ng naturang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *