BPATs sumailalim sa pagsasanay sa Tarlac City
Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPATs) sa Barangay Matatalaib, Tarlac City nito lamang Martes, ika-5 ng Setyembre 2023.
Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Tarlac City Police Office sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Evangeline P Ortiz, Chief of Police.
Nagbigay kaalaman ang pulisya patungkol sa iba’t ibang batas at mga arresting techniques sa mga kalahok sa nasabing aktibidad.
Patuloy ang pagtutulungan ng PNP at BPATs sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng pamayanan.