Feeding Activity, isinagawa sa Talibon Bohol

Bohol – Magkatuwang ang pulisya at Force Multipliers sa isinagawang Feeding Activity sa Brgy. Sikatuna Covered Court, Talibon, Bohol nito lamang Miyerkules, Setyembre 06, 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Talibon Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Amelito M Melloria, Chief of Police katuwang ang Barangay Chairman ng naturang lugar na si Hon. Cerilo B Garcia at sa aktibong partisipasyon ng mga Barangay Health Workers at miyembro ng 47IB Sikatuna Patrol Base sa pangunguna ni Sgt. Rolando Navarra Jr.

Tampok sa naturang aktibidad ay pamimigay ng nutritional snacks sa halos 70 na mag-aaral.

Sinisiguro ng PNP at Force Multipliers na patuloy magtutulungan sa paghahatid ng tulong sa mga mamamayan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *