BPATs Skills Enhancement Training, isinagawa sa Sorsogon
Castilla, Sorsogon- Sumailalim sa isang araw na pagsasanay patungkol sa basic arresting and handcuffing technique ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team na ginanap sa Barangay Cumadcad, Castilla Sorsogon nito lamang ika-18 ng Setyembre 2003.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Castilla Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Barangay Official ng nasabing barangay.
Aktwal na itinuro sa mga miyembro ng BPATs ang tamang pag-aresto at pagpoposas sa mga taong may pagkakasala sa batas.
Layunin nito na hubugin ang kasanayan at kakayahan ng mga miyembro ng BPATS upang maging mabisang katuwang ng PNP bilang isang Force Multipliers na nagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan ng komunidad.