Coastal Clean-up Drive, isinagawa sa Talibon, Bohol

Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga kawani ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Brgy. Poblacion, Talibon, Bohol nito lamang ika-17 ng Setyembre 2023.

Kabilang sa nakibahagi sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Talibon Police Station sa pangunguna ni Police Captain Amelito M Melloria, Philippine Coast Guard, BFP, BJMP, Talibon Traffic Management Team, SSS, Philippine Army, PhilHealth, RTC, MCTC at COMELEC.

Ang naturang aktibidad ay may temang “Clean Seas for Healthy Fisheries” na naglalayong palawakin ang pagpapahalaga ng mamamayan sa kalinisan ng kapaligiran at kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *