Pagpapalakas at reorganisasyon ng Salaam Force Multipliers, isinagawa sa Northern Samar

Matagumpay na isinagawa ang pagpapalakas at reorganisasyon ng Salaam Force Multipliers bilang Lingkod Bayan Faith-Based Advocacy Support Group sa Muslim Communities sa Laoang Proper, Laoang, Northern Samar nito lamang Setyembre 21, 2023.

Ang aktibidad ay naglalayong isulong at palakasin ang Salaam Force Multipliers sa komunidad upang tulungan ang ating Puwersa ng Pulisya sa paglaban sa kriminalidad at terorismo.

Ang nasabing aktibidad ay binibigyang-kahulugan ang partisipasyon at pakikilahok ng publiko upang matamo ang napapanatiling kapayapaan, kaligtasan at pag-unlad para sa mga komunidad at palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Religious Sector at PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *