Youth Ogranization, nakiisa sa Clean-up Drive Bukidnon

Maaga palang ay tumungo na ang mga miyembro ng Youth Organization sa Zone 3, Barangay Capt. Bayong, Impasugong, Bukidnon upang magsagawa ng clean-up drive nito lamang Martes, Setyembre 21, 2023. Katuwang sa paglilinis ang mga tauhan ng Barangay Peackeeping Action Team (BPATs), at Revitalized Pulis sa Barangay Impasugong.

Bitbit ng bawat isa ang mga sako na naglalaman ng kanilang pinulot at winalis na basura. Patuloy na inaanyayahan ang bawat mamamayan na makiisa at alagaan ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtaon ng basura sa tamang tapunan upang maiwasan ang pagbaha at iba pang uri ng sakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *