Youth Leadership Summit 2023, isinagawa sa Kalinga
Isinagawa ang tatlong araw ng Youth Leadership Summit 2023 na ginanap sa Barangay Ammacian, Pinukpuk, Kalinga nito lamang ika- 22-24 ng Setyembre 2023.
Ang summit ay may temang “Empowering the Youth as Peace Builders” kung saan nilahukan ito ng 47 na mga out-of-school youth, community youth leaders, at iba pang kabataan mula sa nasabing barangay.
Ang aktibidad ay pinasimulan ng Kalinga-Apayao Youth Organization (KAYO) katuwang ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, 1503rd Regional Mobile Force Battalion 15, 103rd Infantry Battalion, 5th Infantry Division, Philippine Army, Pinukpuk Municipal Station, iba’t ibang line agencies at Lokal na Pamahalaan ng Pinukpuk.
Kabilang sa isinagawang mga aktibidad ay ang serye ng lektura hinggil sa Climate Change and Functions of Youth, Environmental Protection, Role of Youth in Nation Building, Gender and Development, Criminality involving Youth, Basic Life Support, Anti-Illegal Drugs, and Mga Panuntunan at Regulasyon sa Trapiko, Mga Ordinansa, at higit sa lahat ay ang tungkol sa mapanlinlang na ideolohiya at recruitment ng NPA sa mga kabataan.
Naging aktibo at masayang nakilahok ang mga kabataan sa mga isinagawang outdoor activities kabilang ang guidon-making, Taebo/Zumba, clean-up drive, Amazing Race, at iba pang team-building activities.
Layunin ng leadership summit na hasain ang kakayahan ng mga kabataan sa pamumuno upang maging higit na produktibo at responsableng mga pinuno ng susunod na henerasyon.