Serbisyo Caravan isinagawa sa Candelaria , Zambales

Nagtulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa isinagawang RCSP Serbisyo Caravan sa Sitio Balin Buwaya, Barangay Sinabacan, Candelaria, Zambales nito lamang Martes, ika-26 ng Setyembre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Local Government Unit ng Candelaria, MENRO, MSWDO, Philippine Army at mga opisyal ng barangay.

Sa aktibidad ay nagkaroon ng medical mission, pamimigay ng mga school supplies, pagbibigay kaalaman patungkol sa iba’t ibang batas, pag-iwas sa sunog at responsible parenting. Umabot sa 100 na mga residente ang naging benepisyaryo ng naturang serbisyo caravan.

Patuloy ang pagkakaisa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan lalo na sa pagbibigay ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan na nakatira sa liblib at malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *