Youth Volunteers at Barangay Officials- Cabatacan, nakiisa sa Clean-Up Drive

Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang mga tauhan ng Pudtol PNP sa pangunguna ni PEMS Mavin Buaga, Operation PNCO sa Cabatacan River, Cabatacan, Pudtol, Apayao nito lamang ika-3 ng Octobre 2023.

Lumahok sa aktibidad ang mga kabataan at barangay officials ng nasabing lugar. Ang mga naturang grupo ay sama samang naglinis at namulot ng mga basura sa gilid ng Cabatacan River at kalapit na kalsada.

Naging matagumpay ang aktibidad kung saan sila ay nakalikom ng mga basura.

Layunin nito na ibahagi sa mga mamayan ang tamang paglilinis ng kapaligiran at pagtatapon ng basura . Gayundin na mahikayat ang mga residente, KKDAT members at volunteers na patuloy makiisa sa mga aktibidad ng Pudtol MPS para sa pagpapanatili ng kalinisan sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *