Feeding Program, isinagawa MisOcc

Naisakatuparan ang feeding program ng Revitalized Pulis sa Barangay Misamis Occidental na idinaos sa Jimenez Municipal Gym, Jimenez, Misamis Occidental nito lamang Oktubre 11, 2023.

Ito ay pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Harvey S Abellanosa, Force Commander ng 1st Provincial Mobile Force Company, Misamis Occidental katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ang naturang grupo ay namigay ng ube champorado sa mga nakiisang indibidwal. Ang feeding program ay bahagi ng Medical and Surgical Mission ng PROJECT J.O.Y (JOIN OUR JOURNEY) na naglalayon na matulungan ang mamamayan na lubos nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *