Company Advisory Group for Police Transformation and Development at Sultan Kudarat PNP, namahagi ng libreng kandila at bottled water sa araw ng UNDAS 2023

Masayang nakiisa ang mga miyembro ng Company Advisory Group for Police Transformation and Development ng Sultan Kudarat PNP sa isinagawang Community Outreach Program sa Barangay New Isabela Public Cemetery sa Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang Nobyembre 1-2, 2023.

Namahagi ang mga naturang grupo ng libreng kandila at inuming tubig sa ating mga kababayan na pumapasok sa naturang sementeryo.

Bukod pa rito, nagsagawa rin ng libreng sakay ang Sultan Kudarat PNP para mas matiyak na ligtas na makakarating at makakauwi ang mga residente ng naturang lugar.

Taos-pusong nagpaabot naman ng pasasalamat ang Sultan Kudarat PNP sa kanilang Company Advisory Group for Police Transformation and Development at iba pang mga stakeholders na siyang tumulong upang maisakatuparan ang munting pagtulong sa ating mga kababayan ngayong paggunita ng UNDAS 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *