Faith Based nakiisa sa Community Outreach Program sa Limay, Bataan

Nakiisa ang Faith Based Advocacy Support Group sa isinagawang Community Outreach Program ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company sa Barangay Lamao, Limay, Bataan nito lamang Sabado, ika-4 ng Nobyembre 2023.

Ang aktibidad ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Elias L Tait, Force Commander. Nagkaroon ng Spiritual Upliftment at nagbigay kaalaman ang pulisya patungkol sa iba’t ibang batas.

Namigay rin ng mga food packs para sa mga miyembro ng Tricycle Operators and Driver’s Association (TODA) ng naturang lugar.

Patuloy ang pagtutulungan ng Faith Based at PNP upang makapaghatid ng tulong sa pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *